Linggo, Agosto 24, 2014

MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

KABIHASNANG INDUS
          

          Sinasabi na ang India at pakistan sa timog asya ay nagsisilbing tirahan ng mga sinaunang kabihasnan sa daig-dig. Ito rin daw ang maunlad na pamayanang indus na binubuo raw ng mohenjo daro at harappa, mga pangunahing lungsod na umusbong noong 2,500 BCE.

KABIHASNANG TSINO

          Sinasabing ang pinakamalaking bansa sa Asya at pangatlo sa Russia at Canada sa mga naglalakihang bansa sa mundo.
          Ayon sa kalagayang heograpikal ng China, isa raw ang bansang ito sa pinagmulan nang mga kauna-unahang kabihasnan sa daig-dig at sinasabi rin na nagsimulang umunlad ang kabihasnang tsino sa lambak na malapit sa huang he river.

KABIHASNANG HAPONES

          Sinasabi na ang bansang Japan ay tinaguriang '' lupain ng sumisikat na araw'' dahil matatagpuan ang bansa sa silangang bahagi ng asya kung saan pinapalagay na unang sumikat ang araw at sa kasalukuyan sinasabi na ang Japan ang pinakamaunlad na bansa sa Asya at isa sa may matatag na ekonomiya sa buong mundo.

KABIHASNANG KOREANO

          Sinasabi na umusbong ang kabihasnang koreano sa tangway na matatagpuan sa silangang bahagi ng china at kanluran ng Japan. Tanyag ang Korea sa tangwag na '' ermitanyong kaharian '' sapagkat  tulad ng Japan, isinara rin daw ng mga koreano ang kanilang bansa sa mga dayuhan.

IBA PANG KABIHASNAN SA KANLURANH ASYA

          Sinasabi na bukod sa mga sibilisasyong umusbong sa mesopotamia tulad ng sumer, akkad, babylonia, assyria, at chaldea, may roon pang ibang pangkat ng tao na may mahusay na pamumuhay na umunlad sa kanlurang asya. sinasabi rin na malaki ang naging papel ng mga pangkat na ito sa paglinang ng kasalukuyang kabihasnan.

          Sinasabi rin daw na ang sibilisasyon at kabihasnan ay umiiral kapag ang tao ay marunong ng sumulat, marunong bumasa at pati na ang kakayahan at talino sa pagtatala nang kasaysayan ng kanilang pamumuhay. sinasabi rin na ang kabihasnan ay may bumubongmga salik, ito ay ang mga kaugalian, organisadong lipunan, mataas na antas ng teknolohiya, sining at agrikultura at isa rin daw sa bumubuo rito ay ang relihiyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento